Resolusyon para tutukan ang paggamit ng Intel at confidential funds ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, lusot na sa Senado

Aprubado na ng Senado ang resolusyon na inihain ni Senador Gringo Honasan para sa pagbuo ng oversight committee na tututok at bubusisi sa paggamit ng intelligence at confidential funds ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno

Inihain ni Honasan, Chairman ng National Defense and Security Committee ang resolution kasunod ng mga naganap na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila noong Sabado.

Ayon kay Honasan, mahigit limang bilyong piso ang inilalaan para sa intelligence at confidential funds ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan

Dahil dito, mahalaga na matutukan ng mga mambabatas kung maayos bang nagagamit ang nasabing  pondo para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng bansa at mamamayan laban sa mga  grupong naghahasik ng kaguluhan

Kasunod ng pagpapatibay sa resolusyon,  itinalaga si Honasan bilang Chairman habang miyembro sina Senador Panfilo Lacson,Richard Gordon, Manny Pacquiao, Bam Aquino at Francis Pangilinan.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *