Resorts World attack walang kaugnayan sa terorismo – Albayalde
Nilinaw ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na hanggang ngayon ay wala pa silang nakikitang ebidensya na magsasabing may kaugnayan sa terorismo ang malagim na insidente.
Ayon kay Albayalde patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon at bumuo na sila ng speacial investigation team para sa mas malalimang imbestigasyon.
Binigyang diin ni Albayalde sa mga kongresista na wala pa silang nakikitang anumang mag uugnay sa gunman na si Jessie Carlos sa anumang terror group.
Pero si House Speaker Pantaleon Alvarez nanindigang act of terrorism ang nasabing insidente na nagdulot aniya ng pagkatakot sa marami.
Pina-define pa nito kay Albayalde ang depenisyon ng terrorism.
Pero nanindigan rin si Albayalde na hindi terorrism ang nangyari sa Resorts World dahil ang pagkamatay ng mahigit tatlumpu ay dahil sa suffocation.
Nilinaw naman ni Alvarez na hindi nya iniuugnay sa nangayayri sa Marawi City ang nangyari sa Resorts World kundi nais lang nya na magkaroon ng tamang labelling sa nangyaring insidente.
Nakwestyon din sa pagdinig ang PAGCOR dahil sa mahinang aksyon nito sa Resorts World incident.
Giit ni Speaker Alvarez, kapag ang isang bus ay naaksidente sinususpinde ang kanilang prangkisa.
Pero giit ni PAGCOR Chair Andrea Domingo boluntaryo namang nagsuspinde ng operasyon ang Resorts World.
Para kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas hindi sapat ang ginawa ng PAGCOR dahil dapat ay naglabas ito ng ceased and ceased order laban sa Resorts World.
Kung boluntaryo lang aniya ang ginawang suspensyon sa operasyon ng Resorts World ay maaari silang magbalik operasyon anumang oras.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo