Resources sapat para i-secure ang peace rally – OCD

Sinabi ng Office of Civil Defense-National Capital Region (OCD-NCR), na sapat ang inilaang resources upang matiyak na magiging payapa at maayos ang National Rally for Peace ngayong Jan. 13, na pangungunahan ng Iglesia Ni Cristo.

Ayon kay OCD-NCR head Director George Keyser, “Safety is our utmost priority as we prepare for this significant event. We have mobilized resources and personnel to ensure that every participant can engage in the rally peacefully and without concern.”

OCD-NCR head Director George Keyser / Photo: Civil Defense PH FB

Kabilang dito ang mahigit 120 personnel, kasama ng dalawang light urban search and rescue teams mula sa 525th Engineer Combat Battalion ng Phil. Army, at suportado pa ng 4,418 mga pulis at 1,200 personnel mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nagsagawa rin ng inspeksiyon si Keyser sa MMDA Mobile Command Center na nakahimpil sa kahabaan ng TM Kalaw St.

Nakipagpulong din siya kay Edwin Nasol, vice president for disaster preparedness and emergency response ng Society of Communicators and Networkers (SCAN) International, upang pag-usapan nang detalyado ang security preparations.

Kinumpirma ni Nasol na 17,000 INC members ang nakadeploy para sa emergency preparedness and response.

Nakipagkita rin si Keyser kay Arnel Angeles, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) head at Incident Commander, na nagbigay sa kaniya ng update tungkol sa deployment ng dagdag na resources.

Bilang paghahanda sa nasabing event, itinaas ng Manila DRRMO at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) sa “red” ang kanilang alerto.

Layunin nitong matiyak ang isang komprehensibong safety measures para sa event, na inaasahang dadaluhan ng limangdaang libo hanggang isang milyong katao sa Quirino Grandstand.

Ayon pa kay Keyser, “The collaboration between various agencies and local government units is crucial in ensuring a smooth operation. We are also facilitating a Virtual Emergency Operations Center (VEOC) meeting via Zoom for continuous monitoring of the event.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *