Respiratory infection cases kabilang ang COVID-19, posibleng tumaas

Posibleng tumaas ang mga kaso ng Respiratory infections sa bansa ngayong panahon na ng taglamig.

Kabilang na rito ang ubo, sipon, maging ang COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ang mga naturang sakit ay maaaring lumala, at mauwi sa Pneumonia, pagka-ospital, at pagkamatay kung mapapabayaan.

Tiniyak naman ni Herbosa na patuloy ang monitoring nila sa influenza-like illnesses  at water-borne diseases ngayong Amihan season.

Pinayuhan niya ang publiko na panatilihing malinis ang mga kamay, magsuot ng face mask kung nasa mga pampublikong lugar, at regular na uminom ng tubig para maiwasan ang pagkakasakit.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *