Restoration ng 6.2 billion pesos na budget cut sa mga State Universities and Colleges suportado ng ilang Kongresista
Sinang-ayunan ng ilang Kongresista ang kahilingan ng 30 mga State Universities and Colleges o SUCS na ibalik ang 6.2 billion pesos na pondo na tinapyas ng House Committee on Appropriations.
Sinabi ni Congressman Rufus Rodriguez sa plenary deliberations ng 2024 proposed National Budget na ang pagbabawas sa pondo ng mga SUCS ay sumasalungat sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na empowerment of Filipino youth for nation building sa pamamagitan ng edukasyon.
Ayon sa mambabatas kung hindi man madagdagan ang pondo ng SUCS sa 2024 National Budget ipantay na lamang sa budget allocation sa 2023 National Budget para sa kapakanan ng mga mahihirap na estudyante.
Binanggit ng mambabatas ang probisyon ng 1987 constitution sa ilalaim ng Article 14 section 1 na pananagutan ng estado na bigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat mamamayan.
Naghain ng pormal na petisyon sa Kamara ang 30 SUCS na ibalik ang 6.2 billion pesos na tinapyas sa kanilang pondo para makaagapay sa pagbibigay ng tamang edukasyon sa mga mahihirap na kabataang Filipino.
Statement ni Congressman Rufus Rodriguez;
“Restore SUCS’ P6.2-billion budget cut, reduction contrary to president’s goal to Empower the Filipino Youth for Nation Building.
Let us support our students in these SUCS by appropriating sufficient funding for their schools, let us prioritize the education of our youth.
The 30 State Universities and Colleges should at least be allocated the same amount of budget they have for this year.
Let us return the P6.2 billion taken away from them.
We can reduce funding items for less important expenses like Travel, Representation and Entertainment, Vehicle acquisition, Office renovation, and even for Water, Electricity and Phone bills to generate forced savings in favor of supporting our students in SUCS.
I am citing Article 14, section 1 of the constitution which provides: “The state shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.“
Vic Somintac