Resulta ng eleksyon sa Lanao del Sur at Marawi City, ipinapawalang bisa sa Comelec
Inihain sa COMELEC Law Department ang isang petisyon na humihiling na ipawalang bisa ang halalan sa buong lalawigan ng Lanao del Sur kabilang na ang Marawi City.
Ang petisyon ay inihain ni dating TESDA Director General Guiling Ampang Mamondiong.
Nais din ng petitioner na ideklara ng COMELEC ang failure of elections sa Lanao del Sur at Marawi City at ipawalang bisa ang proklamasyon ng Provincial Board of Canvassers sa mga nanalo.
Nakasaad sa petisyon na nagkaroon ng malawakang dayaan sa eleksyon sa nasabing lalawigan at syudad.
Partikular na binanggit ang sinasabing pre-shading ng balota na nakunan ng video at nag-viral sa social media at pagkakaroon ng vote buying.
Kaugnay nito, hinirit ng petitioner na magtakda ang Comelec ng Special election sa Lanao del Sur at Marawi City.
Ulat ni Moira Encina