Resulta ng SWS survey na mayorya sa mga Pinoy ang katig sa Martial Law sa Mindanao ikinatuwa ng Malakanyang
Nasiyahan ang Malakanyang sa resulta ng Social Weather Stations o SWS survey na nagsasabing mayorya ng mga Pinoy ay pabor sa Martial Law proclamation ni Pangulong Duterte sa buong Mindanao dahil sa pananakop ng teroristang Maute group sa Marawi City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang pagpabor ng nakakaraming Pinoy sa Martial Law sa Mindanao ay kahayagan lamang na tama ang desisyon ng Pangulo para maisalba ang bansa sa kamay ng mga terorista.
Batay sa resulta ng SWS survey na ginanap noong June 23 hanggang June 26 eksaktong isang buwan ng Martial Proclamation sa Mindanao 57 percent ng respondent ay kinatigan ang Pangulo sa Proclamation 216.
Ayon kay Abella mataas ang satisfaction ng Pangulo sa kaparehong survey ng SWS at pabor ang mayora ng Pinoy sa Martial Law sa Mindanao kahayagan lamang ito na tama ang desisyon at pamamalakad ng Chief Executive sa bansa.
Ulat ni: Vic Somintac