Resulta ng US elections inatake ni Trump
Sa panibagong pagtatangkang siraan ang tally ng mga boto na nagpapakitang patungo na sa pagkatalo si US President Donald Trump, ay pinagbantaan nito ang katunggaling si Joe Biden laban sa aniya’y hindi tamang pag-aangkin ng pagkapanalo.
Tatlong araw matapos ang ginanap na halalan sa US, kung saan 160 milyon ang naitalang bumoto, ay wala pang naidedeklarang nanalo.
Gayunman, lumilitaw sa incomplete returns mula sa mga pangunahing estado, na tiyak nang tatapusin ni Biden ang termino ni Trump.
Ang Democrat candidate ay nangunguna sa Arizona, Nevada, at maging sa Georgia na pawang mga Republican State, kay’t ipinag-utos ng mga awtoridad ang pagsasagawa ng isang recount.
Sa pennsylvania, lumaki rin ang kalamangan ni Biden matapos dumating ang final batch ng mga balota. Kahapon, Biyernes ay umabante na ito ng halos 20-libong boto bagama’t maliit pa ang agwat na ito, kayat di na kakailanganing mag-recount.
Sakaling makumpirma na ang 77-anyos na si Biden ay nagwagi sa Pennsylvania, awtomatiko na itong pasok para manalo bilang pangulo ng America.
Samantala, nakatakdang magbigay ng public address ni Biden sa kaniyang hometown sa Wilmington.
Bunga nito ay bumangon ang mga espekulasyon na magdedeklara na siya ng panalo.
Matatandaan na ilang ulit na ring idineklara ni Trump na siya ang nanalo kahit hindi pa tapos ang bilangan, kung saan tinanggihan nitong tanggapin ang mga datos na nagpapakitang patungo na si Biden sa pagwawagi.
© Agence France-Presse