Retired AFP Chief of Staff Gregorio Catapang Jr. inilagay na OIC ng BuCor
Isang retiradong hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pansamantalang mamumuno sa Bureau of Corrections.
Ito ay sa katauhan ni Gregorio Catapang Jr. na nagsilbing ika-45 Chief of Staff ng AFP mula July 2014 hanggang July 2015.
Itinalaga na officer-in-charge (OIC) si Catapang habang nagsasagawa ng imbestigasyon
sa pagkamatay ng person deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) na si Jun Villamor o Crisanto Villamor na sinasabing middleman sa Percy Lapid murder case.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na inirekomenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Catapang para umupong BuCor OIC.
Ang inmate na si Villamor na itinuturong sangkot sa pagpapatay kay Lapid ay namatay sa NBP Hospital noong October 18 ng 2:00 ng hapon.
Batay sa record nito ng BuCor, may mga kaso ito na murder, attempted murder, at paglabag sa election gunban.
Samantala, aminado naman si Remulla na nagkaroon ng pagkukulang partikular sa koordinasyon ng mga otoridad sa imbestigasyon sa pagpatay kay Lapid.
Aniya kung naiugnay lang sa kaniya ng Pambansang Pulisya na may Bilibid inmate na kailangang i-secure ay nabantayan sana si Villamor.
Moira Encina