Retired Chief Justice Reynato Puno itinalagang amicus curiae sa oral arguments sa Anti- Terror law petitions
Makakasama na rin ang isang retiradong punong mahistrado ng Korte Suprema sa oral arguments sa mga petisyon laban sa Anti- Terrorism Act.
Sa notice mula sa Supreme Court en banc, itinalaga nito si retired Chief Justice Reynato Puno bilang amicus curiae o friend of the court sa pagtalakay sa mga petisyon na kumukwestyon sa Anti- Terror law.
Una nang itinalaga si retired SC Associate Justice Francis Jardeleza bilang amicus curiae sa kaso ng Anti-Terror law.
Samantala, nakasaad din sa resolusyon ng Korte Suprema ang pagbasura sa petition-in-intervention na inihain ng dalawang Aetas na sinasabing unang kinasuhan sa ilalim ng Anti- Terror law.
Ayon sa SC, hindi pinagbigyan ang petisyon dahil sa nakabinbin na sa Olongapo City RTC ang terrorism case laban sa dalawa.
Una nang inihayag sa nakaraang oral arguments ni Solicitor General Jose Calida na iniuurong na ng dalawang Aetas ang kanilang petisyon at ang PAO at NCIP na ang kumakatawan sa mga ito at hindi na ang NUPL.
Ayon kay Calida, pinilit lamang ng NUPL ang mga katutubo na pumirma sa petisyon.
Itinanggi naman ito ng NUPL at sinabing ipinaliwanag nilang mabuti sa mga nasabing Aetas na hindi marunong magbasa at magsulat ang nilalaman ng petisyon.
Moira Encina