Retired PNP Chief Guillermo Eleazar, naghain na rin ng kandidatura sa Comelec
Naghain na rin kandidatura sa Commission on Elections si retired PNP Chief Guillermo Eleazar.
Si Eleazar ay kakandidato bilang substitute candidate matapos magwithdraw ng kanyang Certificate of Candidacy si Paolo Capino.
Tatakbo sya si Eleazar sa ilalim ng Partido Para sa Demokratikong Reporma.
Makakasama sya sa senatorial slate ni Senador Panfilo Lacson na kumakandidato sa pagka presidente.
Kasama ni Eleazar na dumating sa Comelec ang kanyang misis na si Rosalie.
Sakaling palarin, mas palalakasin raw nya ang anti criminality efforts ng pamahalaan at uugatin ang ugat ng kahirapan sa bansa.
Narito rin sa Comelec ngayon at naghain ng COC si retired Lt. Gen. Antonio Parlade na kakandidato rin sa pagka pangulo.
Si Parlade ang kontrobersyal na tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.Pinalitan nya si Antonio Valdes na nagwithdraw na ng kanyang kandidatura.
Kakandidato siya sa ilalim ng katipunan ng Demokratikong Pilipino.
Madz Moratillo