Retired SC Justice Arturo Brion itinalagang bagong Chancellor ng Philippine Judicial Academy
Simula sa Hunyo 1 ay si retired Supreme Court Associate Justice Arturo Brion na ang Chancellor ng Philippine Judicial Academy (PHILJA).
Sa abiso mula sa Supreme Court En Banc, sinabi na itinalaga ng Korte Suprema si Brion bilang bagong PHILJA Chancellor.
Papalitan ni Brion si Chancellor Adolfo Azcuna na magtatapos ang termino sa Mayo 31.
Si Brion ay nagsilbing mahistrado ng Korte Suprema mula March 2008 hanggang December 2016.
Naupo rin bilang kalihim ng Department of Labor and Employment si Brion mula 2006 hanggang 2008, at undersecretary ng Department of Foreign Affairs mula 2002 hanggang 2003.
Naging associate justice din ng Court of Appeals si Brion noong 2003 hanggang 2006.
Faculty member din si Brion sa Ateneo School of Law at nagsilbing dean sa College of Law ng San Sebastian College- Recoletos.
Topnotcher din noong 1974 Bar Examinations si Brion.
Ang PHILJA na nilikha sa ilalim ng RA 8557 ay nagsisilbing training school para sa mga mahistrado, hukom, court employees, abogado at aspirante sa mga pwesto sa hudikatura.
Layon nito na maipagpatuloy ang judicial education para matiyak ang competence at efficiency ng mga nasa hudikatura.
Moira Encina