Retired SC Justice Jose Mendoza muling itinalaga bilang JBC member
Nanumpa na si retired Supreme Court Justice Jose Mendoza na hinirang muli bilang regular member at chairperson ng Executive Committee ng Judicial and Bar Council (JBC).
Si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nagpanumpa kay Mendoza sa puwesto.
Si Mendoza ay manunungkulan muli ng apat na taon sa JBC.
Ang JBC ang sumasala at nagrerekomenda sa pangulo ng mga nominado para sa mga bakanteng posisyon sa hudikatura at sa Office of the Ombudsman at Deputy Ombudsman.
Moira Encina
Please follow and like us: