Retired SC Justice Rosmari Carandang itinalagang bagong chancellor ng Philippine Judicial Academy
Nanumpa na bilang bagong chancellor ng Philippine Judicial Academy (PhilJA) si retired Supreme Court Associate Justice Rosmari Carandang.
Si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nagpanumpa kay Carandang sa posisyon.
Dumalo sa oath taking ceremony sa En Banc Session Hall ang ilang mahistrado ng Korte Suprema.
Ang PHILJA na nilikha sa ilalim ng RA 8557 ay nagsisilbing training school para sa mga mahistrado, hukom, court employees, abogado at aspirante sa mga puwesto sa hudikatura.
Layunin nito na maipagpatuloy ang judicial education para matiyak ang competence at efficiency ng mga nasa hudikatura.
Si Carandang ay nagretiro bilang Supreme Court associate justice noon lamang Enero.
Itinalaga si Carandang sa SC noong November 2018.
Nagsilbi rin siyang mahistrado ng Court of Appeals at presiding judge ng Manila Regional Trial Court Branch 21.
Nagtrabaho rin siya sa mga pribadong institusyon at pang-siyam sa 1975 Bar Examinations.
Moira Encina