Retired Supreme Court Justice Mariano Del Castillo nanumpa bilang bagong Philippine Judicial Academy Vice Chancellor
Si Retired Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo ang bagong Philippine Judicial Academy Vice Chancellor.
Pinalitan ni Castillo sa puwesto si retired SC Associate Justice Romeo Callejo, Sr. na itinalaga kamakailan bilang Chairperson ng Judicial Integrity Board.
Si Chief Justice Diosdado Peralta ang nagpanumpa kay Castillo sa posisyon na isinagawa sa Supreme Court En Banc Session Hall
Maninilbilhan bilang PHILJA Vice Chancellor si Castillo sa loob ng dalawang taon.
Ang PHILJA na nilikha sa ilalim ng RA 8557 ang nagsisilbing training school para sa mga mahistrado, hukom, court employees, abogado at aspirante sa mga pwesto sa hudikatura.
Layon nito na maipagpatuloy ang judicial education para matiyak ang competence at efficiency ng mga nasa Hudikatura.
Moira Encina