Revised Anti-Distracted Driving Act, ipatutupad na sa July 6
Ipapatupad na ang revised Anti-Distracted Driving Act o ADDA sa July 6.
Ito’y matapos na mailathala na ang Implementing Rules and Regulations ng naturang batas.
Sa ilalim ng nirebisang ADDA, ipinagbabawal pa rin ang paggamit ng cellphone o kahit anong uri ng gadget habang nagmamaneho.
Hindi pa rin pinapayagan sa ilalim ng batas ang paggamit ng mga gadget ng mga driver kahit nakahinto ang mga sasakyan.
Kinakailangan munang itabi ng mga driver ang kanilang mga sasakyan bago gumamit ng cellphone.
Maari namang gamitin ng mga driver ang hands-free function ng cellphone kung nais nitong tumanggap ng tawag habang nagmamaneho.