Rhini-tiis
Hi mga kapitbahay, kumusta na kayo?
Hindi ba kayo kumportable o mapalagay dahil inaatake na naman kayo ng rhinitis?
Ano nga ba itong rhinitis, ang madalas na naririnig ko ay ‘yung allergic rhinitis sa umaga.
Teka, hindi naman natin pwedeng pag usapan ito ng walang magpapaliwanag.
Kaya nga itinanong natin Kay Doc LOuie Gutierrez, ENT Specialist ang ukol sa rhinitis.
Sabi ni Doc Louie, ang karaniwang sintomas ng rhinitis ay pagbahing o sneezing, pangangati ng ilong, congestion o pagbabara ng ilong, rhinorrhea (pagtulo ng sipon) parang runny nose, ear problems na minsan parang may umuugong sa tenga at pagluluha ng mata.
Sinasabing dahil sa virus ito, at pag tumagal, ang tendency ay humina ang immune system magkaron ng bacterial infection gaya ng upper respiratory infection, at sinusitis, pwedeng mangyari ito kapag hindi agad nagamot o maayos na nagamot.
Dagdag pa ni Doc, may dalawang uri ang rhinitis, allergic at non-allergic.
Kapag allergic rhinitis, very common ang house dust mites, pollen, at pollution samantalang kapag non-allergic naman, ito yung may infection, structural defects sa ilong, balikung nasal septum (gitna ng ilong), at nasal polyp.
Halos pareho lamang ang paggamot sabi ni Doc, allergic at non-allergic rhinitis.
Ang allergic rhinitis ay maiiwasan habang ang non-allergic minsan nasa loob na ng katawan at kinakailangan ang operasyon dahil hindi na kaya ng simple ng paggagamot.
Wala pong pinipiling kasarian ang rhinitis, bata o matanda.
Sinasabing ilang porsyento rin ng mga may rhinitis ay may asthma.
May classification din ito, seasonal at perrenial.
Kapag seasonal pwedeng dahil sa ang bahay ay mapuno o maraming bulaklak o ma pollen na pwedeng masinghot.
Ang perennial ay kapag ‘yung may naramdaman na binanggit kanina na mga sintomas tulad ng mga pagbahing at kung ano-ano pa.
Naitanong natin kung pano ba sinusuri kung may allergic rhinitis ang isang tao?
Ang Sabi ni Doc Louie, unang-una kinukuha ang history at may physical examination.
Pwede ding magpagawa ng nasal endoscopy para masilip ang loob ng ilong, makita kung may bukol sa paligid nito.
At para sa mas masusing pag-aaral, pinagagawa ang CT Scan.
Pahabol ni Doc Louie, ang rhinitis ay hindi delikado at nagagamot.
O ayan mga kapitbahay, ‘wag kayong matakot kapag sinabing may allergic rhinitis, ipatingin agad sa doktor para maalis ang kaba.
Hanggang sa susunod..