“Be rice- ponsible” tema ng culminating activity ng nutrition month ng Sto. Cristo, Elem. School, benepisyo ng pagkain ng brown rice, binigyang diin sa mga mag-aaral

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Nutrition Month sa Sto. Cristo, Elementary School, muling binigyang diin sa mga batang magaaral sa kanilang murang edad  na dapat maging responsable sa pagkain ng kanin.

Ibig sabihin, hindi dapat nagsasayang ng kanin.

Ayon kay Ms. Miriam Layaoen, be rice-ponsible campaign director ng Philrice, ang be rice-ponsible ay isang national campaign na sinimulan ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Philrice upang makatulong  na maging sapat ang bigas sa Pilipinas at ma i-promote ang better health, better rice  consumption sa mga Pilipino.

Kabilang sa goal ng naturang campaign ay mai-promote ang pagkain ng masustansyang uri ng bigas, tulad ng brown rice  at makatulong sa pagbawas ng rice wastage.

Layunin din ng be-riceponsible campaign na itaas ang kamulatan ng mamamayan na makatulong sa pagtitipid sa pagkunsumo ng bigas sa paraang iwasan ang pagsasayang o pag aaksaya.

Hinikayat din niya ang mga kumakain ng kanin na kumuha lamang ng tama o sapat dahil  bukod sa makatutulong na hindi maaksaya ang kanin ay makaiiwas pa sa mga sakit na maaaring idulot ng malabis na pagkain ng kanin tulad ng diabetes., pagiging obese at overweight.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *