Rice Straw Biogas hub, itatayo sa Laguna
Sinimulan ng Los Baños-based Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) at mga organisasyong nakabase sa United Kingdom ang isang proyekto upang gawing accessible ang malinis na enerhiya sa mga malalayo at hindi naseserbisyuhan na mga komunidad sa kanayunan.
Ayon kay Dr. Glenn B. Gregorio, Direktor ng SEARCA, ang proyektong “Rice Straw Biogas Hub” ay nabuo sa pakikipagtulungan ng UK-registered startup Straw Innovations (SI) bilang lead proponent, SEARCA, UK SME Koolmill, at UK academic partner na Aston University .
Sinabi niya na ang tatlong taong proyektong nabanggit ay pinondohan ng Innovate UK sa ilalim ng United Kingdom Research and Innovation organization.
Paliwanag ni Gregorio, sa proyektong ito, makabubuo ng biogas ng isang malinis na enerhiya mula sa basurang dayami ng palay na makatutulong sa rice farmers.
Ayon pa kay Gregorio, sa Rice Straw Biogas Hub, ipakikita ang maayos na pag-aalis ng basurang dayami ng palay mula sa mga bukid, sa pamamagitan ng teknolohiya, magiging eco-friendly at commercially viable ito na mga produkto gamit ang biogas.
Belle Surara