Rice Tariffication Law hindi na kailangang amyendahan para makabili ng murang bigas
Hindi na kinakailangang amyendahan ang Rice Tariffication law para lamang makabili ng murang bigas sa panahon ng emergency .
Yan ang iginiit ni Senador Francis Tolentino sa harap nang pagkukumahog ng mga Kongresista na ipasa ang amyenda sa umiiral na batas para bigyan muli ng kapangyarihan ang National Food Authority na bumili at magbenta ng murang bigas.
Hiniling rin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa mga senador kahapon na aprubahan ang panukala pero lilimitahan lang ang kapangyarihan ng NFA kapag may kalamidad.
Pero paalala ng Senador, may mandato ang Department of Agriculture na bumili ng bigas at ibenta ng mas mura sa publiko.
Ang kailangan aniya ay amyendahan ang Implementing Rules and Regulations ng Rice Tariffication law para payagan ang Philippine International Trading Corporation na nasa ilalim naman ng Department of Trade and Industry para makapag-angkat ng bigas at maibenta ng mas mura sa publiko.
Meanne Corvera