Rice Tarrification Bill, nai-transmit na sa tanggapan ng Pangulo
Nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na inaasahang magppaluwag sa importasyon ng bigas na sa nakikitang solusyon ng gobyerno sa problema sa pagsirit ng inflation.
Ayon kay Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, naipadala na nila kahapon ang naratipikahang bersyon ng Senate Bill 1998 at House Bill 7735 o an Act replacing the quantitative import restrictions on rice tariffs.
Otomatiko aniya itong magiging batas oras na hindi malagdaan ng Pangulo sa susunod na 30 araw.
Sa inaprubahang bersyon ng Kamara at Senado, kasabay ng malayang importasyon ng bigas, magtatatag ng rice competitveess enhancement fund na popondohan ng 10 billion pesos kada taon para tulungan ang mga magsasaka na makasabay sa mga rice producing countries.
Kukunin ito sa makokolektang buwis mula sa importasyon.
Naniniwala ang mga economic managers ng palasyo na malaking tulong ito para mapababa ang presyo ng bigas dahil ang bigas lamang ang tnging agricultural commodity na may quantitative restrictions o nililimitahan ang pagpasok sa bansa.
Ulat ni Meanne Corvera