Rice tarrification law, ipinarerepaso
Ipinarerepaso ni Senador at Presidential candidate Panfilo Lacson ang Rice Tarrification Law dahil sa aniya’y masamang implementasyon nito.
Sa pakikipagdayalogo sa mga magsasaka sa Nueva ecija, sinabi ni Lacson na hindi kasi napakinabangan ng mga magsasaka ang pangako ng batas na sampung bilyong subsidiya sa mga magsasaka ng palay.
Nakasaad sa batas na ang P10 billion ibibigay na ayuda sa pamamagitan ng pagbibigay ng farm input at machinery.
Pero sa nadiskubre ng Senador ang mga biniling traktora at iba pang farm machinery ng gobyerno, bukod sa overpriced isang gamit pa lang nasira na.
Tila nauwi na rin aniya sa korapsyon ang pondo para sa magsasaka.
Ayon sa senador hiningan niya ng report si Agriculture secretary William Dar hinggil dito pero hanggang ngayon wala pang naisusumite.
Kinukwestyon ng senador ang D-A dahil bukod sa pondo mula sa rice tarrification law, sa ilalim ng 2022 national budget may P13 million na alokasyon para sa Agricultural machinery.
Meanne Corvera