Rice Tarrification Law, papatayin umano ang sektor ng agrikultura sa bansa
Nababahala si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na posibleng patayin ng Rice Tarrificaton law ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Para kay Zarate, maitutulad umano sa death warrant ang paglagda ng Pangulo sa nasabing batas na magpapalakas sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
Paliwanag ng Kongresista, magdudulot ito ng overdependence sa imported rice, pagtaas ng presyo ng bigas at pagdidikta ng mga rice cartels sa suplay at presyo ng bigas sa merkado.
Giit ng Kongresista, hindi ito ang solusyunan sa krisis sa bigas dahil tanging ang mga rice cartels at mga dayuhang rice suppliers lamang ang makikinabang dito.
Ulat ni Madelyn Moratillo