Ride Safe Campaign inilunsad, Bike Racks, makikita na sa ilang lugar sa Maynila
Marami nang bike lanes ang makikita sa ibat ibang lugar sa kalakhang Maynila at maging sa ilang lalawigan upang maingatan ang mga siklista.
Mas pinipili ng nakararami nating kababayan na gumamit ng bisikleta sa kanilang pagpasok dahil hindi lamang ito makatutulong sa kalusugan kundi maging sa kalikasan.
Kaugnay nito, isinusulong ng isang kilalang Insurance company ang isang adbokasiya na tinawag na Ride Safe Campaign.
Ayon kay Mr. Gino Riola, CMO, Allianz PNB Life, naglagay sila ng Bike Racks sa Maynila sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.
Layunin nilang makatulong sa ikapagkakaroon ng kaligtasan ng mga bikers na tulad niya.
Samantala, batay sa mga pag-aaral, kabilang sa benepisyong pangkalusugan na idinudulot sa katawan ng pagbibisikleta ay pagkakaroon ng magandang mood, mababa ang tsansa ng dapuan ng heart disease, nakabababa ng timbang at nakaliliit ng tiyan.
Sa panig ni Riola, ang pinakamainam na health benefits sa kanya bilang isang matagal nang nag bibisikleta ay nauukol sa kalusugang pangkaisipan o mental health.
Belle Surara