Rights court, dinala sa Brazilian Amazon ang climate crisis hearing
Nagtipon ang mga miyembro ng akademya, mga aktibista at mga katutubo sa Brazilian Amazon, upang talakayin kung anong responsibilidad mayroon ang mga estado sa harap ng climate emergencies
Sa pagbubukas ng sesyon ng Inter-American Court of Human Rights na inimbitahan sa Brazil upang magsagawa ng public hearings, ay sinabi ng Costa Rica-based court president na si Nancy Hernandez Lopez, “The Brazilian Amazon, home to the world’s largest rainforest, is a ‘region of indisputable importance’ when facing the effects of climate change.”
Ang isyu ay ibinangon noong Enero 2023 ng Chile at Colombia, na humingi sa korte ng isang advisory opinion tungkol sa mga tungkulin ng isang bansa kapag tumutugon sa climate emergency sa ilalim ng framework ng international human rights law.
Sinabi ni Junior Anderson Guarani Kaiowa mula sa pangalawang pinakamalaking komunidad ng mga katutubo sa Brazil, “We ask the court to consider states’ obligations to Indigenous peoples. The region where my people live in Mato Grosso do Sul ‘is threatened by desertification,’ with no forest, no water, and no animals.”
Aniya, “In Guarani Kaiowa cosmology, the river and the forests maintain the balance of global warming. Pray that rivers contaminated with pesticides do not dry up later.”
Ang mga pagdinig ay gaganapin simula Lunes hanggang Miyerkoles sa Manaus, kabisera ng Amazonas state ng Brazil.
Ang unang pagdinig sa isyu ay idinaos sa Barbados noong Abril, bago lumipat sa Brasilia sa linggong ito.
Ayon kay Hernandez Lopez, “The court had received more than 260 written contributions from civil society organizations around the world, ‘the largest participation in the history’ of the court.”
Sinabi ng isang court source, na isang advisory opinion ang inaasahan sa pagtatapos ng taon.
Sa pagdinig sa Brasilia, nagbabala ang mga teenager at aktibista mula sa ilang bansa sa Timog Amerika, na ang pagbabago ng klima ay nakaaapekto sa mga kabataan sa “iba’t ibang paraan,” na may ‘consequences’ para sa kanilang kalusugan, edukasyon, nutrisyon at libangan.
Ang Brazil ay matinding tinamaan ng extreme weather events na nauugnay sa climate change, na ang pinakabago ay ang mga makasaysayang pagbaha sa southern state ng Rio Grande do Sul na nag-iwan ng halos 170 kataong patay at dose-dosena pa ang nawawala.