RITM mananatili kahit mapagtibay ang panukalang batas na lilikha ng center for Disease control ayon sa Kamara
Pinawi ni House Ways and Means Committee Chairman Congressman Joey Salceda ang pangamba ng mga empleyado ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM na mawawalan sila ng trabaho oras na maisabatas at maitatag ang Center for Disease Control o CDC.
Sinabi ni Salceda na isa sa mga pangunahing may akda ng panukalang batas para sa CDC, walang magaganap na abolition sa RITM at wala ring layoff o tanggalan ng trabaho.
Ayon kay Salceda mapapasama sa CDC ang empleyado ng RITM at walang job reduction
Niliwanag ni Salceda mananatili ang RITM bilang research center na mayroong ospital, testing center at central reference laboratory sa ilalim ng CDC.
Tiniyak ni Salceda na hindi aalisan ng pondo ang RITM dahil lamang sa itatayong bagong ahensya.
Vic Somintac