Rules ng DENR sa mga waste recycling companies, pinarerebisa
Iminungkahi ni Iligan Rep. Frederick Siao ang pagrebisa sa mga panuntunan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga waste recycling companies.
Ayon kay Siao kahit na ibabalik na ang 51 containers na naglalaman ng basura sa South Korea ay patuloy pa rin niyang imomonitor ang rules ng DENR sa operasyon ng mga waste recycling companies.
Binigyang-diin ng Kongresista na hindi na dapat maulit ang ginawang pagpapalusot ng Verde Soko Philippines na naglalaman ng hazardous waste na naipasok sa port sa Misamis Oriental.
Giit ni Siao hindi dapat palagpasin sa inspeksyon at monitoring ng DENR ang mga ganitong uri ng waste recycling firms na nagdadala ng basura sa Pilipinas na delikado para sa kalusugan ng mga Pinoy.
Ulat ni Madz Villar