Road clearing operations, patuloy na isinasagawa sa Muntinlupa City
Patuloy ang road clearing operation sa National Road sa Muntinlupa City sa pangunguna ng Task Force Discpline at Traffic Management Bureau ng Lungsod .
Ito ay bilang pagsunod na rin sa 60-araw ng Department of Interior and Local Government (DILG) Nationwide Road Clearing 2.0 hanggang Enero 15, 2021.
Ayon kay MTMB Chief Danidon Nolasco, magdaragdag sila ng mga enforcer para sa on-ground apprehension sa mga lalabag. Tiniyak din nito na kanilang susundin ang minimum health protocols.
Nananawagan naman ang DILG na ipagpapatuloy ang pagpapatupad sa paglilinis ng kalsada sa pamamagitan ng Memorandum Circular 2020-145 na nag-nag-uutos sa mga Local Government Unit na alisin ang mga sagabal sa kalsada o sidewalks pati na ang plano sa paglipat at rehabilitasyon sa mga nalinis na kalsada.
Samantala, napapanatili naman ng Lungsod ng Muntinlupa ang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa road clearing maging ang pagsuporta sa hakbangin ng National Government ukol sa maayos na pangangasiwa sa trapiko.
Betheliza Paguntalan