Road Widening Project sa Siargao Island, nakumpleto na
Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways na nakumpleto na nila ang road widening project sa ilang pangunahing lansangan sa Siargao Island, Surigao del Norte.
Ang Siargao ay kilala bilang isa sa mga top tourist destination sa bansa lalo na sa mahilig magsurf.
Sa kanyang State of the Nation Addess inatasan ng Pangulong Ferdinand Marcos ang DPWH na tumulong sa pagtatayo ng imprastraktura para mapalakas pa ang turismo sa bansa.
Ayon kay DPWH Region 13 Director Pol Delos Santos, kabilang sa kanilang nakumpleto ay ang off-carriageway improvement sa Junction ng National Road – Antipolo – Tuboran – Quezon – Mabini Road sa Siargao.
Malaking tulong aniya ito para ma-accommodate ang mas maraming motorista hindi lang para sa mga turista kundi para rin mapabilis ang transportasyon ng mga residente, magamit sa transportasyon ng goods at panahon ng emergency.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng ₱16-million pesos.
Madelyn Villar-Moratillo