Robert Pattinson at direktor na si Matt Reeves, magbabalik para sa sequel ng ‘The Batman’
Opisyal nang magkakaroon ng sequel ang The Batman, kung saan magbabalik si Robert Pattinson bilang Batman at si Matt Reeves naman bilang direktor.
Inanunsiyo ng Warner Bros. ang plano nito para sa sequel sa presentasyon nito sa CinemaCon nitong Martes, ang taunang trade show na nagtatampok sa pinakamalaking pagtitipon ng may-ari ng mga sinehan.
Ibinunyag ni Reeves na siya ang susulat at magiging direktor ng sequel, nguni’t hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye. Wala ring inanunsiyo tungkol sa release date ng pelikula.
Ayon kay Warner Bros. chairman Toby Emmerich . . . “Matt took one of our most iconic and beloved superheroes and delivered a fresh vision that clearly resonated with audiences and with your incredible support, shattered box office records around the world. Which is one of the reasons I’m excited to break the news that Matt, Rob Pattinson and the whole team will be taking audiences back to Gotham with The Batmaan 2.”
Ang The Batman ay nag-debut sa big screen noong March at kumita ng $134 million sa unang linggo ng pagpapalabas nito sa Amerika. Ang nasabing ticket sales ang pinakamalaki pa ring opening weekend ngayong taon, kung saan ito ang tanging superhero movie at ikalawang pandemic-era film na kumita ng lampas sa $100 million mark sa unang linggo ng pagpapalabas nito.
Ang pelikula ay kumita ng higit $759 million sa buong mundo, kaya’t ito na ang highest-grossing movie ng 2022 sa ngayon.
Ito ang unang pagkakataon na gumanap si Pattinson sa papel ng iconic caped DC Comics superhero. Ang kaniya namang mga kalaban ay kinabibilangan ni Riddler, na gagampanan ni Paul Dano, at Oswald “Oz” Cobblepot, na mas kilala bilang Penguin na gagampanan naman ni Colin Farrell.
Ang gaganap naman bilang Zoe Kravitz ay si Selina Kyle, kilala rin bilang Catwoman, habang si Andy Serkis ang papapel na Alfred Pennyworth, ang butler at confidant ni Bruce Wayne (Batman).
Gaya ng binanggit ni Emmerich sa CinemaCon, ang buong cast ay inaasahang babalik para sa sequel.