Robredo umapela sa mga supporters na huwag magbitaw ng mga masasakit na salita
Huwag magpadala sa emosyon.
Ito ang pakiusap ni presidential candidate at Vice- President Leni Robredo sa kanyang mga tagasuporta kasunod ng pagpuntirya sa kanya
nina Manila Mayor Isko Moreno, Senador Panfilo Lacson, at dating Defense Secretary Norberto Gonzales sa isang joint press conference.
Hinamon din ni Moreno si Robredo
na umatras ito sa eleksyon.
Sa statement sa kanyang Facebook account, nanawagan din si Robredo sa mga supporters nito na huwag magbitaw ng mga masasakit na pananalita.
Aniya may mga nagalit at nainis sa kanyang mga tagasuporta dahil sa mga binitiwang salita laban sa kanya ng mga katunggali.
Sinabi ni Robredo na ilang araw na lang ang natitira sa kampanya kaya huwag dapat na magpatalo ang mga ito sa emosyon.
Hinimok din ni Robredo ang mga ito na tumutok na lang sa kampanya.
Nagpasalamat naman si Robredo sa mga nagtanggol sa kanya.
Una rito ay inakusahan nina Moreno, Lacson, at Gonzales ang panig ni Robredo na nilapitan sila para umurong sa pampanguluhang halalan sa Mayo.
Iginiit naman ng tatlo na hindi sila aatras sa presidential race.
Moira Encina