Romando Artes itinalagang bagong MMDA chief
Itinalaga ni pangulong Rodrigo Duterte si Romando Artes bilang bagong hepe ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ang appointment letter ni Artes ay nilagdaan noong Marso a-uno.
Ang abogado at certified public accountant, ang papalit kay Benhur Abalos na nagbitiw na sa puwesto upang suportahan ang kandidatura ni dating Senator Bongbong Marcos sa pagkapangulo.
Ayon kay Artes . . . “It is an honor to be appointed as the MMDA Chairman. The agency has been my home for the past five years–from the term of the late Chairman Danilo Lim and later under Chairman Abalos.”
Aniya, ipagpapatuloy niya ang trabaho para makumpleto ang mga proyekto at mga programang kinakailangan at naaayon sa kaniyang mandato – traffic, solid waste at flood management, urban renewal, public safety at ang COVID-19 vaccination habang lumilipat na tayo sa new normal.
Samantala, itinalaga naman si MMDA Undersecretary Frisco San Juan, Jr. bilang general manager kasabay ng pagiging deputy chairman ng ahensya.