Romania, nagtayo ng air-raid shelters malapit sa Ukrainian border
Inanunsiyo ng NATO member na Romania na sinimulan na nila ang pagtatayo ng air-raid shelters para sa mga residenteng malapit sa Ukraine border, makaraang makakita roon ng drone fragments noong isang linggo.
Noong Sabado, nakakita ang Romanian soldiers ng mga piraso ng isang drone na “katulad ng ginagamit ng Russian army” sa Plauru area sa kabila ng border mula sa Ukraine.
Pinaigting na ng Bucharest ang mga hakbang upang palakasin ang monitoring at airspace security kasunod ng paulit-ulit na Russian attacks malapit sa kanilang border.
Sinabi ng defence ministry sa isang pahayag, na tinatayang 50 Romanian soldiers ang nagsimula nang magtayo ng dalawang shelter nitong Martes.
Ang mga kongretong shelter ay may layuning “protektahan ang mga residente” ng Plauru at iti-turn over na sa mga lokal na awtoridad sa sandaling makumpleto na.
Ang hakbang ay kasunod ng desisyon ng Romanian National Committee for Emergency Situations, na magpatupad ng mga hakbang upang proteksiyunan ang national territory na nasa “immediate vicinity” ng conflict zone sa Ukraine.
TOPSHOT – Crash site of a Russian drone in a forest outside the village of Plauru, Danube Delta, 300kms east of Bucharest, Romania, on September 11, 2023. On September 10, NATO member Romania said it discovered parts of a drone “similar to those used by the Russian army”, and summoned the Russian embassy’s charge d’affaires. (Photo by MIHAI BARBU / AFP)
Ang Romanians na nakatira sa lugar na malapit sa Ukrainian ports ng Reni at Izmail ay aalertuhin din sa pamamagitan ng kanilang mga telepono, sakaling magkaroon ng anumang “panganib mula sa pagbagsak ng mga elemento” na may kaugnayan sa giyera.
Pinaigting ng Moscow ang mga pag-atake sa southern Odesa at Mykolaiv regions ng Ukraine, na tahanan ng mga pantalan at imprastrakturang mahalaga para sa agriculture exports, kasunod ng pagbagsak ng isang kasunduan na nagpapahintulot sa grain shipments mula sa mga pantalan sa Black Sea.
Pinag-usapan naman ni Romanian President Klaus Iohannis at NATO chief Jens Stoltenberg ang tungkol sa nadiskubreng piraso ng drone noong Sabado.
Sinabi ni Stoltenberg, “There was no indication of intent to hit NATO, but the strikes are destabilising.”
Ayon naman kay Iohannis, “The discovery indicated there took place an absolutely unacceptable breach of the Romanian sovereign airspace.”
Simula nang mag-umpisa ang all-out invasion ng Russia sa Ukraine noong Pebrero ng nakalipas na taon, tumutok na ang NATO sa pagpigil na ang giyera ay lumaganap sa kanilang mga teritoryo.