Rosy Cheeks, Rosacea na pala!
Rosy cheeks, mamula mulang mga pisngi. Kapag nakita mo ang crush mo at bigla kang binati, hindi maiiwasan na biglang mamula ang mukha o kahit kapag napahiya. Pero, alam nyo ba mga kapitbahay na may isang uri ng skin condition na kung tawagin ay “Rosacea” o Redness of the face (pamumula ng mukha).
Ang rosacea o redness of the face ay isang chronic inflammatory condition, ibig sabihin, hindi bigla-bigla, at karaniwang nakikita sa pagitan ng 30-50 years old. Pwede sa babae, pwede sa lalaki, bagaman mas karamihan nasa mga kababaihan.
Minabuti nating itanong kay Dr. Ellaine Eusebio-Galvez, Dermatalogist, ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa rosacea o pamumula ng mukha.
Ang mga sumusunod ay banggit ni Dra. Ellaine. Napagkakamalian ang Rosacea sa acne o pimple. Ang rosacea ay “persistent” ang pamumula at ang dahilan nito ay nagkakaron ng “reactivity” ng blood vessels o capillaries. May mga factor na nakakaapekto dito.
Kapag sinabi aniyang acne, may presence ng white at blackheads na absent naman sa rosacea.
Dagdag pa ni Doc Ellaine na karaniwang pinanggagalingan ng reactivity ng Rosacea kapag stressed ang isang tao, kapag mahilig uminom ng alcohol, at mahilig kumain ng spicy foods. Maaari ding makapag-trigger ang biglang pag-inom ng mainit na mainit na kape, tsaa, o tubig kaya. Mapapansin ang pamumula ng mukha .
Sabi pa ni Doc, hindi agad nawawala ang pamumula, puwedeng mag-persist for weeks, or months, or even years.
Meron ding stages ang rosacea. Sa unang stage ay namumula ang mukha, stage 2 nagkakaron ng butlig-butlig at sa stage 3 ay may complications na, may nodules at thickening of the face, at ang ilong ay pwedeng madeform.
May posibilidad din na ang mata ay pwedeng maapektuhan.
Paalala ni Doc Ellaine, para malaman kung rosacea o hindi ang dahilan ng pamumula ng iyong mukha, ikonsulta agad sa dermatologist dahil sa napakahalaga na ito ay ma-diagnose. Sa early stage pa lamang ay mabigyan nang kaukulang advise gaya ng pag-iwas sa sun exposure, pag-iwas sa spicy foods, maiinit na inumin, at maging ang pag-iwas sa stress na maaari namang i-manage.
So, ayan mga kapitbahay ang karagdagang kaalaman ukol sa Rosacea. Until next time!