Routine Catch – Up Immunization Program, umarangkada na sa Navotas City
Umarangkada na ang Routine Catch – Up Immunization Program sa Navotas City, na nagsimula ngayong araw, November 7 at tatagal hanggang November 18 taong kasalukuyan.
Layunin ng programa na isulong ang pagbabakuna sa pediatric population, na may edad 2 taong gulang pababa o 0 to 23 months old na sanggol.
Kabilang din ang pagsusulong sa positibong pagkilos ng mga sektor upang masigurong ligtas ang kalusugan ng bawat mamamayan, anuman ang edad sa tulong ng bakuna.
Pangungunahan ng mga health worker sa komunidad ang pagbibigay ng bakuna, tulad ng Penta Hib o proteksyon kontra Diphtheria, Pertussis, Tetanus, Hepatitis B at HIB. OPV at IPV o kontra Polio, Measles Containing Vaccine o MCV laban naman sa tigdas at PCV laban sa pneumonia ng mga kabataan na libreng ipagkakaloob.
Inaanyayahan naman ang mga magulang na nais pabakunahan ang kanilang mga sanggol, na magtungo lamang sa pinakamalapit na Health Center sa kanilang lugar.
Aldrin Puno