Negative RT-PCR test, requirement pa rin sa pagpasok sa Zamboanga city kahit pa isinailalim na sa GCQ ang lungsod
Kailangan pa ring magprisinta ng RT-PCR negative test result ang mga nais mamasyal sa Zamboanga city.
Ayon kay Mayor Beng Climaco, mandatory requirement pa rin ito kahit anupaman ang layunin sa pagbisita sa lungsod.
Aniya, mas kailangan ito dahil nananatiling isang seryosong sakit ang Covid-19 idagdag pa ang pag-usbong ng Delta Plus variant.
Batay sa City Health office, bumaba na sa 500 nitong Hunyo ang active cases sa lungsod kumpara sa 2,500 noong Mayo.
Ang Zamboanga city ay isinailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) para sa buong buwan ng Hulyo matapos ang pag-iral ng Modified ECQ mula May 8 hanggang June 30.
Samantala, nasa 252 violators ang naaresto kahapon, June 30 o sa huling araw ng pagpapatupad ng MECQ sa lungsod.
Nanatiling ang hindi pagsusuot ng face shield at hindi pagsunod sa curfew ang naitalang mas maraming paglabag.