Ruling sa anti – terror law , ikinasiya ng Senado
Masaya ang mga Senador sa naging desisyon ng Korte suprema sa legalidad ng anti – terror law.
Ito’y kahit pa idineklara ng Supreme court na unconstitutional ang ilang bahagi ng section 4 at section paragraph ng Republic act 11479.
Ayon sa Supreme court, hindi dapat isama ang mga protesta , work stoppage, mass action at iba pang katulad na civil political rights.
Bilang pangunahing may-akda ng batas , sinabi ni Senador Ping Lacson na ang idineklara lang ng supreme court ay ang section 4 dahil sa posibleng paglabag sa freedom of expression at hindi ang buong batas.
Para sa Senador nagwagi pa rin ang kapayapaan laban sa posibleng karahasan dulot ng terorismo.
Sa pamamagitan rin aniya nito tulyan nang matatanggal ang bansa sa listahan ng global terrorism index kung saan pang siyam ang Pilipinas.
Ayon naman kay Senate president Vicente Sotto, hindi rin nagtagumpay ang mga petitioner na maipadeklarang unconstitutional ang batas .
Meanne Corvera