Run after contribution evaders o RACE campaign pinaigting ng SSS
Puspusan ang ginagawang paghahabol ng pamunuan ng Social Security System o SSS sa mga employer na hindi nagreremit ng tama sa kontribusyon ng kanilang mga empleyado sa ilalim ng Run After Contribution Evaders o RACE alinsunod sa probisyon ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.
Sinabi ni Ginoong Fernando Nicolas Vice President ng SSS National Capital Region Division na layunin ng RACE campaign na maisaayos ang kontribusyon ng lahat ng mga employers at employee sa pamamagitan ng condonation scheme upang hindi na magbayad ng kaukulang multa o penalty.
Inihayag naman ni Atty. Jomar Catabay Department Manager NCR North Legal Department na lahat ng mga employer na hindi nagreremit ng tamang kontribusyon ng kanilang mga empleyado ay pinadadalhan ng Notice Order upag mabigyan sila ng pagkakataon na ayusin ang problema at kung hindi tumugon ay sasampahan sila ng kaso sa prosecutors office sa sandaling makakita ng probable cause ay i-aakyat na sa hukuman ang kaso.
Sinabi naman ni Ginang Lydia Cereno Branch Head ng SSS sa Novaliches na sa kanilang nasasakupan ay mayroong labing isang mga employers ang hindi nagreremit ng tamang kontribusyon ng kanilang empleyado kaya sila ay binigyan ng Notice Order.
Vic Somintac