Russia iba-block ang Instagram sa March 14
Kinumpirma ng pinuno ng Instagram na si Adam Mosseri, na iba-block na sila sa Russia sa March 14, ayon sa kaniyang Twitter page.
Ayon kay Mosseri . . . “On Monday, Instagram will be blocked in Russia. This decision will cut 80 mln in Russia off from one another, and from the rest of the world as about 80% of people in Russia follow an Instagram account outside their country.”
Kinastigo niya ang naturang desisyon na aniya’y mali.
Nitong Biyernes, nagpasya ang Russian Federal Service for Supervision of Communications, Information Technology and Mass Media na kumpletuhin ang procedure para sa higpitan ang access sa Instagram sa March 14.
Ipinaliwanag ng media watchdog na ang mga aktibong gumagamit ng Instagram “ay mangangailangan ng oras upang ilipat ang kanilang mga larawan at video sa iba pang mga social network at abisuhan ang kanilang mga tagasunod.”
Nagpasya ang media watchdog na i-block ang Instagram dahil sa pagpapakalat ng “hate speech” laban sa mfa Ruso, kabilang na ang kanilang military personnel.
Earlier, the Russian Prosecutor General’s Office demanded to declare Meta, which includes Facebook, Instagram, and WhatsApp, an extremist organization, banning it in Russia.
Nauna rito, hiniling ng Russian Prosecutor General’s Office na ideklara ang Meta, na kinabibilangan ng Facebook, Instagram, at WhatsApp, na isang extremist organization, na ibabawal na sa Russia.
Kalaunan ay inamin ng Meta na pansamantalang pinahintulutan nito ang pag-uudyok sa karahasan laban sa militar ng Russia, kaugnay ng special military operation sa Ukraine.
Ayon sa Company spokesman na si Andy Stone . . . “We temporarily allow forms of political expression that would normally violate our company’s terms of service, including ‘violent speech,’ and threats against the Russian military.”