Russia inakusahan ng Ukraine nang pagpigil sa palitan ng prisoner of war
Sinabi ng human right ombudsman ng Ukraine na si Dmytro Lubinets, na pinigil ng Moscow ang palitan ng prisoners of war (POW) sa Kyiv.
Ang magkalabang panig ay nakapagsagawa na ng maraming rounds ng POW exchanges sa panahon ng 21 buwan nang pananakop ng Moscow, subalit sa huling kalahati ng taong ito ay nahinto ang proseso.
Sinabi ni Lubinets, “Exchanges are not taking place because Russia does not want them to. All initiatives, wishes and actions of Ukraine to return its defenders from captivity are met with Russian reluctance to return even its own citizens.”
Libu-libong POWs ang pinaniniwalaang hawak ng magkabilang panig.
Inaakusahan ni Lubinets ang Russia, na nais nitong papaniwalain ang mga tao na walang ginagawa ang Ukraine upang makabalik ang mga sundalo.
Ayon sa Ukraine, noong Agosto ay naiuwi nila ang nasa 2,600 bihag na sundalong Ukrainian kapalit ng humigit-kumulang sa 50 Russians na kanila namang pinakawalan, simula nang mag-umpisa ang pagsalakay ng Russia noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Inanunsiyo ni Lubinets na nagbukas ang Ukraine ng isang bagong kampo para sa Russian POWs at planong magtayo ng isa pa, dahil lumalaki na ang bilang ng mga nabibihag na Russians habang nagpapatuloy ang giyera.
Nitong nakalipas na mga linggo, ay nagpataw ng mabibigat na parusa ang Moscow sa Ukrainian POWs.