Russia kumbinsido pa rin sa “balanced foreign policy” ni PBBM
Kumbinsido si Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov na patuloy na itinataguyod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang “balanced foreign policy.”
Sa kabila ito ng naging pahayag ni Pangulong Marcos noong nakaraang Nobyembre na ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine ay hindi katanggaptanggap, kasunod ng paghikayat sa magkabilang panig na isulong ang isang diplomatikong solusyon.
Sa isang panayam sa isang TV network, sinabi ni Pavlov na nananatiling isinusulong ni Marcos ang kaniyang balanced foreign policy na “friends to all, enemy to no one.”
Sinabi ng envoy na ito ang konsentrasyon ng kaniyang foreign policy na itinuturing ng Moscow na mabuting halimbawa para isulong ang kooperasyon.
Patuloy naman aniyang nakikipagtulungan ang Russia sa basic concept principles na ang Pilipinas ay neutral sa panahon ng krisis.
Tiniyak din ni Pavlov na nakahanda ang Russia na ituloy ang technical military
cooperation nito sa bansa.
Bukod sa energy cooperation, may mga requests din aniya ang Pilipinas para sa
liquefied natural gas at ‘nuclear peaceful cooperation.
Weng Dela Fuente