Russia ,mananatili daw matatag na kaalyado ng Pilipinas kahit magbago ang administrasyon
Nananatili paring matatag na kaalyado ng Pilipinas ang Russia sa kabila ng pagpapalit ng administrasyon.
Ito ang tiniyak ni Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov.
Lahat aniya ng ipinangako ng Russia ay tutuparin nila ngayong panahon ng Marcos administration.
Mismong si Russian President Vladimir Putin aniya ang nagsabi nito ng magpaabot siya ng pagbati kay President elect Marcos.
Isa aniya itong magandang signal ng tuloy tuloy na magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Kinumpirma naman ni Pavlov na nagsumite na sya ng liham para makapag courtesy call din sa bagong Pangulo ng bansa.
Ngayong araw, ginugunita ang ika 46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Soviet Union.
Kaugnay nyan, dumalo rin si Pavlov sa Poetry Reading Event sa Maynila bilang paggunita sa 233rd anniversary ng national poet ng Russia na si Alexander Pushkin.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga Filipino na dating nag-aral sa Soviet Union.
Madelyn Villar – Moratillo