Russia nagre-recruit ng Syrians para lumaban sa Ukraine

A picture shows a joint Turkish-Russian military patrol, in the countryside of the Syrian town of Darbasiyah near the Turkish border in the northeastern province of Hasakah, on November 5, 2020. (Photo by Delil SOULEIMAN / AFP)

Nire-recruit ng Russia ang mga Syrian at iba pang foreign fighters, habang pinatitindi nito ang pag-atake sa Ukraine, ayon sa Pentagon.

Pumasok ang Moscow sa digmaang sibil ng Syria noong 2015 sa panig ng rehimen ni Pangulong Bashar al-Assad, at ang bansa ay nasadlak sa isang salungatan na minarkahan ng labanan sa lungsod sa loob ng higit na isang dekada.

Sinabi ng US Department of Defense officials, na ngayon ay “nasa isang misyon ng pagre-recruit” ang pangulo ng Russia na si Vladimir Putin, na naglalayong dalhin ang mga ito sa labanan sa Ukraine.

Ayon sa Wall Street Journal, sinabi ng US officials na nitong mga nakalipas na araw ay nag-recruit ang Russia ng Syrian fighters sa pag-asang makatutulong ang mga ito para masakop ang Kyiv, kabisera ng Ukraine.

Isang opisyal ang nagsabi na ang ilang fighters ay nasa Russia na at naghahandang lumahok sa giyera sa Ukraine, bagama’t hindi pa malinaw kung gaano karaming combatants ang na-recruit.

Ayaw hulaan ng mga opisyal kung gaano karaming mga mersenaryo ang sasali sa laban, ni ang kalidad ng mga fighter. Nguni’t sinabi ng Pentagon na walang dahilan upang pagdudahan ang katumpakan ng mga ulat.

Sinabi ni Pentagon spokesman John Kirby sa mga mamamahayag . . . “We do believe that the accounts of them — the Russians — seeking Syrian fighters to augment their forces in Ukraine, we believe there’s truth to that.”

A picture shows Russian troops in the Syrian district of Daraa al-Balad in Syria’s southern province of Daraa, on September 1, 2021. – Three years after Syria’s government retook control of the flashpoint southern province of Daraa, regime forces have clashed with rebels again, trapping thousands of civilians in the crossfire. Nearly half of the population of the rebel-held Daraa al-Balad district have fled heavy shelling and ground battles, but the United Nations warns that remaining civilians are cut off with dwindling supplies. (Photo by Sam HARIRI / AFP)

Subali’t ayon sa Pentagon, kapansin-pansin na kinailangan pa ni Putin na mag-recruit ng mga mersenaryo gayong napakalaki ng firepower nito at mayroong higit sa150,000 tropang naka-deploy.

Ayon kay Kirby . . . “It’s interesting that Mr. Putin would have to find himself relying on foreign fighters here, though I acknowledged that the Pentagon does not have “perfect visibility” on exactly who was joining the cause.”

Nitong Lunes ay sinabi ng isang senior defense official sa mga mamamahayg, na alam nilang nagtatangka ang Russia na mag-recruit ng Syrians para sa bakbakan.”

Ang Chechnya strongman leader na si Ramzan Kadyrov, isang dating rebeldeng naging Kremlin-ally, ay nagbahagi ng mga video ng mga Chechen fighters na sumali sa pag-atake sa Ukraine at sinabing ilan ang napatay sa bakbakan.

Chechnya’s leader Ramzan Kadyrov attends a signing ceremony following a meeting of Russian President Vladimir Putin with Saudi Arabia’s King Salman in Riyadh, Saudi Arabia, on October 14, 2019. (Photo by Alexey NIKOLSKY / SPUTNIK / AFP)

Sinabi ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba, na humigit-kumulang 20,000 dayuhang boluntaryo ang naglakbay patungo sa Ukraine, upang sumali sa pwersa ng Kyiv.

Ang kabisera at ang pangalawang pinakamalaking lungsod, ang Kharkiv, ay hawak pa rin ng gobyerno ng Ukraine, habang naagaw na ng Russia ang daungang lungsod ng Kherson at pinalakas ang pag-atake sa mga sentro ng lunsod sa buong bansa.

Ang halos dalawang linggo nang pag-atake ng Russia ay naging sanhi ng paglikas ng higit 1.5 milyong katao mula sa Ukraine, na tinawag ng UN na pinakamabilis na lumalagong refugee crisis sa Europe mula noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Please follow and like us: