Russia planong magtayo ng pagawaan ng armas sa Pilipinas
Ikinukunsidera ng Russia ang pagtatayo ng pagawaan ng armas sa Pilipinas para palakasin ang defense capability ng bansa.
Ayon kay Russian Ambassador to the Philippies Igor Khovaev, isa ito sa mga natalakay sa huling pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia sa ilalim ng defense cooperation ng Pilipinas at Russia.
Sinabi ni Khovaev na may on-going nang consultation hinggil dito ang dalawang bansa.
Pero hindi nilinaw ng Embahador kung anong uri ng mga armas ang maaring i-produce sa Pilipinas.
Kung matutuloy ang plano, maari aniyang maging exporter na rin ang Pilipinas ng mga armas at mga light weapons.
Hindi man direkta, pinasarigan ni Khovaev ang mga bansang kaalyado ng Pilipinas sa isyu ng defense cooperation.
Bukod sa production ng mga baril, nauna nang napaulat na ikinukunsidera ng Pilipinas ang pagbili ng 16 na MI-171 helicopters mula sa Russia.
Sabi ng Embahador, nais nilang maging reliable partner ang Pilipinas at magkaroon ng long term strategic cooperation.
Nais rin aniya nilang tumulong sa pagpapaigting ng Intelligence cooperation para labanan ang anumang banta ng terorismo.
Katunayan, kasama sa kanilang panukala ang pagdaraos ng mga military drills at exercises.
Gayunman, lilitahan ito sa trainings at wala silang balak na makiaalam sa anumang domestic affairs ng bansa.
Ulat ni Meanne Corvera