Russian Airbus 320, nag-emergency landing sa Siberian field
Isang Russian passenger Airbus A320 na bumibiyahe galing sa Black Sea resort ng Sochi patungong Siberian City ng Omsk na may lulang 167 katao, ang nag-emergency landing sa isang Siberian field.
Naglabas ang mga awtoridad ng footage ng Ural Airlines plane sa isang field sa tabi ng kagubatan sa rehiyon ng Novosibirsk, at sinabing wala namang nasawi.
Ang slide ng eroplano ay nakababa, habang ang mga tao ay nakatayo sa field sa labas nito.
Batay sa pahayag ng Rosaviatsia, ang aviation agency ng Moscow, “At 05.44 Moscow time (0244GMT) an unscheduled landing of a Ural Airlines A320 plane flying along the Sochi-Omsk route, was successfully carried out.”
Nakasaad pa sa pahayag, “The landing took place ‘on a site selected from the air’ near the village of Kamenka, in Siberia’s Novosibirsk region. According to the crew, there are 159 passengers and six crew members onboard.”
Sinabi pa ng aviation agency, “All passengers are housed in the nearest village, none of them sought medical help.”
This frame grab taken from handout video footage released by the Russian Emergency Ministry on September 12, 2023 shows an Ural Airlines Airbus A320 passenger plane following its emergency landing in a field near the village of Kamenka, Novosibirsk region / Handout / RUSSIAN EMERGENCY MINISTRY / AFP
Nagbukas naman ng isang criminal case ang Investigative Committee ng Russia sa paglabag sa air traffic safety rules.
Sinabi nito na ang eroplano ay nag-emergency landing dahil sa “technical reason.”
Nahihirapan ngayon ang aviation industry ng Russia na makakuha ng mga bagong parte para kumpunihin ang mga eroplano, dahil sa Western sanctions kaugnay ng opensiba nito sa Ukraine.
Ang Ural Airlines ay isang domestic Russian airline na naka-base sa siyudad ng Yekaterinburg.