Russian airport malapit sa Estonia border, inatake ng drone
Inatake ng drone ang isang Russian airport malapit sa hangganan nito sa Estonia.
Si Regional governor Mikhail Vedernikov, na nagsabing naroon siya sa lugar, ay nagpost ng isang video sa Telegram ng isang malaking sunog, na may tunog ng mga pagsabog at sirena.
Sinabi ni Vedemikov sa kaniyang post, “A drone attack has been repelled in Pskov airport,” at idinagdag na ina-assess na ng mga awtoridad ang pinsala ngunit wala namang casualties.
Ang Pskov ay nasa halos 800 kilometro (halos 500 milya) mula sa Ukraine border at sa mga nakapaligid na region borders ng EU member states na Latvia at Estonia.
Wala namang agad na komento mula sa defence ministry ngunit apat na heavy transport planes ang napaulat na napinsala.
Sinabi ni Vedemikov na kinansela na ang lahat ng biyahe ng eroplano sa paliparan ngayong Miyerkoles, hanggang sa maayos na ang lahat ng posibleng naging pinsala sa runway.
Sa ulat ng state news agency na TASS, banggit ang emergency services, apat na Ilyushin Il-76 heavy transport planes ang napinsala.
Banggit din ang air traffic services, iniulat pa ng TASS na isinara ang airspace sa himpapawid ng Vnukovo airport sa Moscow.
Ang rehiyon ng Pskov ay una nang naging target ng drone attacks noong Mayo.
Ang Moscow at iba pang mga rehiyon ng Russia ay tinarget nitong nakaraang mga linggo ng sunud-sunod na pag-atake ng Ukrainian drones, pagkatapos mangako ng Kyiv na “ibabalik” nila sa Russia ang labanan.