Russian delegations, ban sa Cannes Film Festival
Inihayag ng Cannes Film Festival, na hindi nila tatanggapin ang Russian delegations sa event ngayong taon na gaganapin sa May, dahil sa pananakop nito sa Ukraine.
Ayon sa statement . . . “The Cannes Festival wishes to express all its support to the Ukrainian people. We are adding our voice to those who oppose this unacceptable situation and denounce the attitude of Russia and its leaders. It has been decided — unless the war of aggression ceases under conditions that satisfy the Ukrainian people — to not welcome official delegations from Russia or to accept the slightest presence linked to the Russian government.”
Sinabi ng organizers na saludo sila sa katapangan ng lahat ng Russians na nagpakita ng pagtutol sa ginawang pananakop ng kanilang bansa sa Ukraine, at maging sa Russian artists at film professionals na matapang na tumutol sa ginawa ng kasalukuyang gobyerno.
Nakasaad pa sa statement . . . “Faithful to its history, which began in 1939 in resistance to fascist and Nazi dictatorship, the Cannes Festival will always put itself at the service of artists and film professionals who raise their voices against violence, repression and injustice.”
The Cannes Film Festival was founded in 1939, primarily to compete with the Venice Film Festival in fascist-controlled Italy.
Ang Cannes Film Festival ay itinatag noong 1939, pangunahin upang makipagkumpitensya sa Venice Film Festival sa Italya na kontrolado ng mga pasista.
Ang event ngayong taon ay nakatakdang idaos mula May 17 hanggang 28.