Russian Medvedev, pasok na sa US Open quarter-finals
Pasok na sa US Open quarter-finals ang Russian player na si Daniil Medvedev, matapos niyang talunin ang 24th seeded British na si Daniel Evans sa score na 6-3, 6-4, 6-3.
Si Medvedev ay tinalo ni Rafael Nadal sa finals ng 2019 US Open at natalo rin kay Novak Djokovic sa 2021 Australian Open.
Ayon kay Medvedev . . . “Now I just want to make it to the finals again to have another thing to remember, and hopefully a better one.”
Susunod niyang makakalaban ang 117th-ranked na si Botic Van de Zandschup, na nagwagi naman laban sa Argentine 111th seed na si Diego Schwartzman.
Samantala, sinundan pa ng Canadian na si Leylah Fernandez ang nakabibiglang panalo niya laban sa US Open winner at defending champion na si Naomi Osaka, sa pamamagitan ng pananaig laban sa German 16th seeded at three-time Grand Slam champion na si Angelique Kerber.
Ayon kay Fernandez . . . ” I just tried to use all my trainings from back home. They told me take it point by point. I was glad I was able to execute it.”
Si Fernandez na nagdiriwang ng kaniyang 19th birthday ngayong araw (Lunes), ay umabante na sa unang Slam quarter-final kung saan makakaharap niya ang Tokyo-Olympic bronze medalist at Ukrainian 5th seed, na si Elina Svitolina.
Ani Fernandez . . . “That’s going to be a very tough match. She returns a lot of balls. She’s aggressive. I’m just going to go on court and try to keep doing what I’ve been doing.”
Tinalo ni Svitolina ang two-time major winner na si Simona Halep, para marating ang ika-8 niyang Grand Slam quarter-final.