Russian missiles sinira ang isang aircraft repair plant sa Lviv, Ukraine
Isang aircraft repair plant sa western Ukrainian city ng Lviv, ang winasak ng Russian forces nitong Biyernes subali’t wala namang nasaktan.
Pumailanlang sa himpapawid ng Lviv airport nitong Biyernes ng umaga, ang makapal at kulay abong usok habang sumugod naman sa lugar ang mga ambulansiya.
Ayon kay Lviv Mayor Andriy Sadovyi . . . “Several missiles hit an aircraft repair plant, the plant had been destroyed. There are no casualties, operations at the plant had been halted.”
Pinabalik ng mga armadong bantay sa checkpoint ang mga motorista mula sa mga kalsadang patungo sa airport.
Ayon Ukraine air force na tinutukoy ang nasabing pag-atake at banggit ang preliminary information . . . “Six cruise missiles had been launched, probably X-555, from the Black Sea. Two missiles had been destroyed.”
Ang Lviv ang pinakamalaking siyudad sa western Ukraine at isang popular na tourist destination, na kilala sa magaganda nitong tanawin.
Noong nakaraang linggo, sinira ng Russian cruise missiles ang isang military base sa kanluran ng Lviv, na ikinasawi ng 35 katao at ikinasugat ng higit 130.