Russian troops, inakusahan ni Zelensky ng paglalagay ng bomba sa katawan ng mga patay
Inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Russian troops na nag-iwan ng bomba, maging sa mga bangkay habang paalis mula sa northern region ng bansa.
Sa kaniyang video message ay nagbabala si Zelensky sa mga mamamayan na nagsisibalikan na sa mga lugar na muling nabawi ng Ukrainian forces, na lubhang mag-ingat sa dagdag na panganib kabilang ang posibilidad ng panibagong pambobomba.
Aniya . . . “The occupiers are withdrawing forces in the north of our country. The withdrawal is slow but noticeable. Firstly, the bombing may continue. Secondly, they are mining all this territory. Mining houses, equipment, even the bodies of killed people. Too many tripwire mines, too many other dangers.”
Binabalaan din ni Zelensky na mahaharap sa parusa ang mga Ukrainians, na makikipag-cooperate sa pansamantalang local leaders na inilagay ng Russian forces, na umano’y nagbabanta sa mga negosyo at mga lokal na opisyal para sila ay tulungan.
Ayon kay Zelensky . . . “There will be problems for cooperation with them or with the occupiers directly. This is the last warning.”
Tinawag ni Zelensky ang naturang Russian-appointed officials bilang “gauleiters,” isang terminong ginagamit para sa regional leaders sa Nazi Germany. Hindi naman nito tinukoy kung anong parusa ang ipapataw.
Aniya . . . “In the east of our country, the situation remains extremely difficult. The Russian militaries are being accumulated in Donbas, in the Kharkiv direction. They are preparing for new powerful blows. We are preparing for even more active defense. Ukraine anticipates that ‘hard battles lie ahead.”
Dagdag pa niya . . . “We don’t need more dead people here. Save your children so that they do not become villains. Don’t send them to the army. Do whatever you can to keep them alive. The Russians won’t be told the whole truth about this conscription and about the fate of the conscripts. But still, if you can convey the truth to them — do it.”
Sinabi pa ni Zelensky na mayroong humanitarian corridors sa tatlong rehiyon, na magbibigay-daan para mailigtas ang 6,266 katao mula sa Donbas region at Zaporizhzhia. Ang Donbas ay binubuo ng mga lalawigan ng Luhansk at Donetsk, na ang malaking bahagi ay hawak ng pro-Russian separatists simula pa noong 2014.
Tatlong libo at pitompu’t isang (3,071) katao rin aniya ang nailigtas mula sa Mariupol, bago pa sabihin ng humanitarian aid group na International Committee of the Red Cross (ICRC) na kailangan nitong bumalik sa lungsod.
Ayon kay Zelensky . . . “Today, our team tried to facilitate a safe passage out of Mariupol. But had to return to Zaporizhzhia after conditions made it impossible to proceed. “We will try again tomorrow.”